May 04, 2025

Home BALITA National

Nasa 17 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index mula Mayo 4-Mayo 5

Nasa 17 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index mula Mayo 4-Mayo 5
Photo courtesy: Pixabay

Inaasahang aabot sa “danger” level ang heat index sa 17 lugar sa bansa ngayong Linggo, Mayo 4, hanggang Lunes, Mayo 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa two-day forecast ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Sabado, Mayo 3, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa ilang mga lugar sa National Capital Region (NCR), Region I (Ilocos Region), Region II (Cagayan Valley), Region III (Central Luzon), at Region IV-A (CALABARZON).

Narito ang magiging heat index sa ilang mga lugar ngayong Linggo, Mayo 4:

44°C

National

Sa tulong ni Recto: 'Trilyon-trilyong' pamumuhunan, pumapasok na sa bansa—PBBM

- Aparri, Cagayan, Region II

- Tuguegarao City, Cagayan, Region II

- ISU Echague, Isabela, Region II

- Sangley Point, Cavite City, Cavite, Region IV-A

43°C

- NAIA Pasay City, NCR

- Bacnotan, La Union, Region I

- Iba, Zambales, Region III

- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City, Region III

- TAU Camiling, Tarlac, Region III

- Hacienda Luisita, Tarlac City, Region III

- Ambulong, Tanauan, Batangas, Region IV-A

42°C

- Science Garden Quezon City, NCR

- Laoag City, Ilocos Norte, Region I

- Dagupan City, Pangasinan, Region I

- MMSU, Batac, Ilocos Norte, Region I

- Tayabas City, Quezon, Region IV-A

- Alabat, Quezon, Region IV-A

Narito ang magiging heat index sa ilang mga lugar sa Lunes, Mayo 5:

45°C

- Tuguegarao City, Cagayan, Region II

- ISU Echague, Isabela, Region II

44°C

- NAIA Pasay City, NCR

- Aparri, Cagayan, Region II

43°C

- Bacnotan, La Union, Region I

- Iba, Zambales, Region III

- TAU Camiling, Tarlac, Region III

- Sangley Point, Cavite City, Cavite, Region IV-A

42°C

- Science Garden Quezon City, NCR

- Laoag City, Ilocos Norte, Region I

- MMSU, Batac, Ilocos Norte, Region I

- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City, Region III

- Hacienda Luisita, Tarlac City, Region III

- Tayabas City, Quezon, Region IV-A

- Alabat, Quezon, Region IV-A

- Ambulong, Tanauan, Batangas, Region IV-A

Inaasahang bababa sa 41°C ang Dagupan City sa Mayo 5 mula sa 42°C, na nasa "Extreme Caution" level.

Saad ng PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?