May 04, 2025

Home BALITA

'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa
Photo courtesy; JL Abrina/Manila Bulletin

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na kumpirmadong isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang ama ng apat na taong gulang na nasawi sa pagbangga ng isang SUV sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo, Mayo 4, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: 4 na taong gulang na bata kabilang sa nasawing inararo ng SUV sa NAIA

Ayon kay Dizon, ihahatid lang sana ng mga biktima ang kanilang padre de pamilya na patungo na raw sa ibang bansa nang mangyari ang aksidente. 

"Unang-una, nakakalungkot talaga yung nangyari ngayon. Lalong-lalo na sa OFW na namatayan ng anak n'ya ngayon. Masakit, masakit. Kausap ko yung father kanina. OFW siya, ihahatid lang siya ng pamilya n'ya, tapos ito yung nangyari," anang DOTr Secretary.

Eleksyon

ALAMIN: 3 red flags sa mga kandidato

Samantala, sa hiwalay na ulat ng isang lokal na pahayagan, kabilang din umano ang ina ng nasawing biktima sa mga sugatan na kasalukuyang nasa San Juan De Dios Hospital. 

Ayon pa sa mga ulat, sinasabing nagkamali umano ng tapak sa silinyador ang suspek na sa halip na preno ang kaniyang tatapakan. Kasalukuyan na ring nasa kustodiya ng pulisya ang driver habang gumugulong ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Ito ay isang developing story.