May 04, 2025

Home BALITA

LTO, sinuspinde lisensya ng driver na umararo ng ilang katao sa NAIA

LTO, sinuspinde lisensya ng driver na umararo ng ilang katao sa NAIA
Photo courtesy: LTO and contributed photo

Tuluyang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver na sumagasa at kumitil sa buhay ng ilang katao sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Linggo, Mayo 4, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

Sa kanilang Facebook post, inihayag ng LTO na pinapatawan nila ng 90 araw na suspensyon ang lisensya ng driver at show cause order upang pagpaliwanagin siya sa nangyaring aksidente. 

“In line with the directive of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to run after erring motorists, the Land Transportation Office, under the guidance of DOTr Secretary Vince Dizon, has preventively suspended for 90 days the driver’s license of the motorist behind the fatal accident at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 on Sunday, May 4,” anang LTO.

National

Digital taxes sa video games, magsisimula nang ipataw sa Hunyo

Dagdag naman ni LTO Chief at Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, “We already issued an [Show Cause Order] SCO asking both the registered owner and the driver to appear before our office and explain the incident as part of our investigation.”

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang driver habang gumugulong ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!