May 04, 2025

Home BALITA

Gastos ng mga biktima ng SUV na nang-araro sa NAIA, sasagutin ng San Miguel Corp.

Gastos ng mga biktima ng SUV na nang-araro sa NAIA, sasagutin ng San Miguel Corp.
Photo courtesy: via ABS-CBN News and contributed photo

Inihayag ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) na personal umanong sasagutin ng kanilang presidente na si San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang, ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa nangyaring aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 4, 2025. 

Sa Facebook post ng NAIA, ibinahagi nila ang pahayag ni Ang at ng NNIC hinggil sa pangangailangang pinansyal ng mga biktima.

“This is a very tragic incident. Our priority now is to make sure the victims and their families receive the support and care they need,” ani Ang.

Matatandaang isang SUV ang umararo sa ilang katao sa departure area ng NAIA kung saan tinatayang apat ang sugatan habang dalawa naman ang nasawi, kabilang ang isang apat na taong gulang na babae.

National

Digital taxes sa video games, magsisimula nang ipataw sa Hunyo

KAUGNAY NA BALITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

 Sinasabing nagkamali umano ng tapak sa silinyador ang suspek na sa halip na preno ang kaniyang tatapakan. Kasalukuyan na ring nasa kustodiya ng pulisya ang driver habang gumugulong ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Samantala, nitong Linggo rin nang ianunyo ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsuspinde nila sa lisensya ng driver ng naturang SUV sa loob ng 90 na araw. 

KAUGNAY NA BALITA: LTO, sinuspinde lisensya ng driver na umararo ng ilang katao sa NAIA