Magsisimula na ang pagpapatupad sa Pilipinas ng digital taxes sa video games sa darating na Hunyo 1.
Sa official website ng digital distribution service na Steam, makikitang kabilang ang Pilipinas sa listahan ng "To Be Collected in the Future" kasama ang Estonia.
Samantala, ang United Arab Emirates, Austria, Australia, Belgium, Czech Republic, at iba pang bansa ay nauna nang nagkaroon nito.
Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 12023 o "Value Added Tax (VAT) on Digital Services Law" na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Oktubre 2024.
Bukod sa video games, kasama rin sa mapapatawan ng 12% VAT ang Netflix, Amazon, Facebook, Google, at iba pang foreign tech firms na nagbibigay ng digital service sa bansa.