May 04, 2025

Home BALITA

Cardinal Tagle, wala raw nagawa sa isyu ng ‘pang-aabuso’ ng mga pari; CBCP, dumipensa!

Cardinal Tagle, wala raw nagawa sa isyu ng ‘pang-aabuso’ ng mga pari; CBCP, dumipensa!
Photo courtesy: CBCP/website

Dumipensa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga alegasyong wala umanong nagawa si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga umano’y sekswal na pang-aabuso ng kaparian sa kani-kanilang simbahan,

Sa isang Facebook post noong Sabado, Mayo 3, 2025, iginiit nilang nagkaroon umano ng partisipasyon si Tagle sa mga panukalang kanilang ikinasa noon upang matugunan ang mga isyung ibinabato sa mga paring may kaugnayan umano sa pang-aabuso.

“In particular, Cardinal Luis Antonio G. Tagle, during his tenure as Bishop of Imus and later as Archbishop of Manila, actively participated in the development and implementation of these guidelines. He has consistently advocated for a humble and responsive Church that listens to the cries of the wounded and acts decisively to protect the vulnerable,” anang CBCP.

Matagal na rin umanong walang hawak na awtoridad si Tagle sa mga diocese sa bansa matapos siyang maging Roman Curia sa Vatican City.

Arci Muñoz, sinariwa nangyaring aksidente sa mukha

“Since his appointment to a full-time position in the Roman Curia, Cardinal Tagle no longer holds direct authority over any diocese in the Philippines. Consequently, he is not involved in the governance or disciplinary matters of Philippine dioceses. The responsibility for addressing allegations of misconduct by clergy rests with the respective diocesan bishops or religious superiors,” saad ng CBCP.

Matatandaang kumalat ang nasabing alegasyon mula sa direktor ng BishopAccountability.org na si Anne Barrett Doyle, isang organisasyong naglalathala ng mga dokumentong nagpapatunay umano ng mga sekswal na pang-aabuso sa Simbahan Katolika. 

“If Cardinal Tagle cannot even get his brother bishops from his home country to publish guidelines, what on earth can we expect for him to achieve as pope of a global church?” ani Doyle.

Isa si Tagle sa mga matutunog na pangalan ng mga Cardinal na napipisil umanong mapiling susunod na sa Santo Papa sa paparating na conclave sa Mayo 7.