May 04, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Anak ko 'yan!' Pagtangis ng ama ng batang nasalpok ng SUV sa NAIA, dumurog sa puso

'Anak ko 'yan!' Pagtangis ng ama ng batang nasalpok ng SUV sa NAIA, dumurog sa puso
Photo courtesy: Screenshot from DZRH News (FB)

Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang kumakalat na video kung saan makikita ang pagpalahaw ng iyak ng isang lalaki habang dinadaluhan ng mga security guard at pulis sa Ninoy Aquino International Airport departure area nitong Linggo, Mayo 4.

Ang nabanggit na lalaki ay tatay ng limang taong gulang na batang babae na nasawi matapos salpukin ng isang SUV sa departure area ng NAIA Terminal 1, matapos na umano'y "mataranta" ang driver nito sa pag-apak sa silinyador ng sasakyan.

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Sa video na ibinahagi ng isang lokal na radyo, makikita ang pagtangis ng tatay na isang Overseas Filipino Worker (OFW) nang malaman niyang patay na ang anak, na bago pumasok sa loob ng terminal 1, ay nayakap at nahagkan pa niya.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

KAUGNAY NA BALITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

Batay sa mga ulat, napag-alamang solong anak ng OFW ang nabanggit na biktima, at huling nakasama at nakita ng anak noong maliit pa lamang ito.

Kaya nang magbakasyon sa Pilipinas ay talagang sinulit ng ama ang mga panahong nakasama niya ang anak.

Ito na pala ang huling pamamaalam ng ama sa kaniyang anak, hindi lamang dahil babalik na siya sa ibang bansa para magtrabaho, kundi paalam na rin sa mundo.

Ang ina naman ng bata ay sugatan sa aksidente at agad na isinugod sa ospital.

Hindi pa malinaw kung tutuloy pa sa ibang bansa upang magtrabaho ang nabanggit na OFW.

Hangad ng mga netizen na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng bata. May mga netizen naman ang nagsabing dapat ay mas maghigpit pa ang Land Transportation Office (LTO) sa pagkuha ng  driver's license. 

"Heartbreaking yung driver ng SUV ga** kung hindi ka pa sanay magmaneho bakit ka nagdrive diyan?"

"In 1 week. We had like 3 vehicular accidents minimum with fatalities and injuries. Do you guys think LTO should be more strict on their exams on providing licenses to new drivers?"

"Nakaka durog ng puso. Sana man lang nag ingat yung driver , sana .. madaming sana pero nangyari na , may the father who lost his child today find the justice he deserves and peace … I hope he finds peace eventually."

"Paalis na yung tatay pabalik sa abroad para mag work.. Tapos ayan.. Paano pa siya makakabalik kung ganyan... Mahirap yung katayuan niya ngayon .."

"This is so devastating. Sobrang ramdam yung pighati at sakit."

"Sana maging mahigpit na LTO sa pag issue ng driver’s license kasi yung iba binabayaran lang makakuha lang ng license."

"Shit bro. Ang sakit. As a father myself to a 5yr old girl and a 1yr old boy, ramdam ko ang pighati nya. Measures need to be made to avoid this kind of accidents ever again."

"Ang sakit sa dibdib, nakakaiyak. Di pa ko Maka recover dun sa accident sa SCTEX na Yung toddler lang ang survivor."

Inihayag naman ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) na personal umanong sasagutin ng kanilang presidente na si San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang, ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa nangyaring aksidente.

KAUGNAY NA BALITA: Gastos ng mga biktima ng SUV na nang-araro sa NAIA, sasagutin ng San Miguel Corp.

Inanunsyo na rin ng LTO ang pagsuspinde nila sa lisensya ng driver ng naturang SUV sa loob ng 90 na araw. 

KAUGNAY NA BALITA: LTO, sinuspinde lisensya ng driver na umararo ng ilang katao sa NAIA