May 04, 2025

Home BALITA Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’
Photo courtesy: Philippine Red Cross/Facebook

Ipinagluluksa ngayon ng Seventh-day Adventist Church Antipolo City ang walo sa kanilang kasamahan na nasawi sa SCTEX road crash noong Mayo 1, 2025.

Ayon sa mga ulat, patungo raw sanang Pangasinan ang mga biktima na noo'y sakay ng isang van nang maipit at mayupi ito sa pagsalpok ng isang bus habang nakapila sila sa toll gate. 

Sa panayam ng media kay Jasper Carpio0—resident doctor ng Tarlac Provincial Hospital kung saan isinugod ang mga biktima, 4 na taong gulang ang naitalang pinakabatang nasawi sa aksidente. 

Samantala, makikita sa opisyal na Facebook account ng Seventh-day Adventist Church Antipolo City na kasalukuyan nang nakaburol ang walong biktima sa kanilang simbahan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Matatandaang noong Huwebes, Mayo 1, nang salpukin ng isang bus ng naturang bus company ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp

Samantala, noong Biyernes, Mayo 2 nang kumpirmahin ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan umano sa mga biktimang nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang papunta sana children’s camp at mga pamilyang magbabakasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp