May 25, 2025

Home FEATURES

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?
Photo Courtesy: Freepik, Arnold Quizol/MB

Kapag ang isang lalaki ay bagong tuli, laging paalala ng ilang matatanda na ingatang huwag makita ng babae ang ari dahil posible itong “mangamatis.”

Pero ayon sa urologist na si Dr. Samuel Vincent Yrastorza sa kaniyang panayam sa ABS-CBN TeleRadyo noong Abril 2023, walang kinalaman ang mga babae sa pangangamatis ng ari ng lalaking bagong tuli. 

"Reaction lang 'yan do’n sa operation," saad ni Yrastorza.

Bukod dito, isa rin sa nakakabit na mito kaugnay sa pagpapatuli ay ang epekto nito sa pagtangkad ng lalaki, na pinabulaanan naman ni Dr. Tim Yong sa isang episode ng kaniyang vlog noong Enero 2024.

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Aniya, “Hindi po totoo na ang pagtutuli o circumcision ay connected sa pagtangkad. Ang height natin is affected by our genes. Nasa lahi po ‘yan. Hindi ‘yon dahil supot ka or circumcised ka.”

“Naoobserbahan lang natin kasi usually ‘yong usual time na circumcision period ng mga bata ay during the time kung saan mabilis ‘yong pagtangkad nila,” dugtong pa ni Dr. Yong.

Gayunman, sa kabila ng mga walang basehang paniniwalang ito na nakagisnan ng marami, may ilang benepisyo pa rin naman ang pagpapatuli.

Kapag tuli kasi ang isang lalaki, pinapababa nito ang tiyansang magkaroon siya ng penile cancer. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng cancer ay maiuugat sa tira-tirang ihi sa balat ng ari na kalaunan ay nagiging smegma o kupal.

Bukod dito, makakaiiwas din umano ang lalaki sa Sexually Transmitted Disease (STD) dahil wala nang balat na makakapitan ang bacteria.

Kaya kung nasa hustong gulang na—na ayon sa mga tala ay kadalasang edad 9 hanggang 12—huwag nang mag-atubiling magpatuli.

MAKI-BALITA: Pukpok o doktor? Ang tradisyon ng pagtutuli sa Pilipinas