May 04, 2025

Home BALITA National

Sen. JV sa nam*kyung motovlogger: 'We should never tolerate this kind of behavior!'

Sen. JV sa nam*kyung motovlogger: 'We should never tolerate this kind of behavior!'

Nagbigay ng reaksiyon at komento si Sen. JV Ejercito hinggil sa viral video ng isang kontrobersiyal na female motovlogger na nang-away at nag-dirty finger sa isang pick-up driver sa isang kalsada sa Zambales.

"Regarding the now viral Yanna Road Rage incident, I sent the said video to DOTR Sec. Vince Dizon for appropriate action," aniya sa kaniyang Facebook post

"Though there was a public apology by Yanna on video last night, there should be action from the appropriate government agency LTO to discipline drivers or riders on the road."

"We shall await for the action of DOTR and LTO on this matter."

National

PRO-11, pinabulaanang nagkaroon ng raid sa bahay ni FPRRD sa Davao

Giit pa ng senador, "Also, we should never tolerate this kind of behavior. Yanna should learn from this incident."

"We need to respect locals dahil nakikiraan lang tayo sa kanilang lugar, reminder to all riders."

"In my many years of riding, the riding community knows I have no record of being a bully on the road. Wala tayong mapapala sa ganon."

Samantala, naglabas na rin ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban kay Yanna.

KAUGNAY NA BALITA: LTO, inisyuhan na ng show cause order ang moto vlogger na nam*kyu