May 04, 2025

Home BALITA National

Netizens, nag-aalala sa 2 taong gulang na naulila ng mag-asawa sa karambola sa SCTEX

Netizens, nag-aalala sa 2 taong gulang na naulila ng mag-asawa sa karambola sa SCTEX
Photo courtesy: Philippine Red Cross, Jonjon Alinas (FB)

Naulila ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos pumanaw ang kaniyang mga magulang sa naganap na aksidente ng mga sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) Toll Plaza sa Tarlac noong Huwebes, Mayo 1.

Batay sa ulat, ang mag-asawang sina Jonjon at Dain Janica Alinas ay parehong engineer ay mula sa Bulacan, at sakay ng SUV kasama ang anak ay patungo sana sa Baguio para sa isang bakasyon.

Nagkataong ang kanilang anak, nang maganap ang malagim na aksidente, ay nakaligtas at nasa normal na kondisyon habang dead on the spot naman ang parehong magulang.

Saad pa, hinahanap daw ng bata ang kaniyang mga magulang, partikular ang ina.

National

Sen. JV sa nam*kyung motovlogger: 'We should never tolerate this kind of behavior!'

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na mabagbag ang damdamin sa kinasapitan ng bata sa napakamurang edad. Maraming naawa sa sitwasyon ng bata dahil napagkaitan daw itong makasama ang mga magulang na siyang gagabay sa kaniya, dahil daw sa "kapabayaan" ng ilan.

Isang blogger naman na nagngangalang "Malditang Ina" ang nagpahayag din ng saloobin tungkol dito.

"Ito talaga ang isa sa pinaka kinatatakutan ko bilang magulang," aniya.

"Hindi ang pagod, hindi ang puyat, hindi ang pagsubok, kundi ang posibilidad na bigla kaming mawala at iwan ang anak naming bata pa, walang muwang, walang laban sa mundo."

"Yung mag-asawang engineer na nasawi sa aksidente sa STEX, habang kasama ang anak nila—napakabigat sa puso.

Hindi ko sila personal na kilala, pero bilang magulang, parang nadurog ang loob ko."

"Buti na lang, nakaupo sa car seat yung bata. Isa 'yun sa mga bagay na minsan ay binabalewala ng iba, pero sa ganitong sitwasyon—literal na life-saver ang car seat."

"Car seat lang na nga yon, sa loob ng sasakyan na may pinto at seatbelt, at naaksidente pa rin."

Nabanggit pa ng blogger ang ilang mga magulang na isinasakay naman ang mga anak nila sa motorsiklo, na ang iba raw ay wala pang suot na helmet.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga mensahe ng netizen para sa bata at sa iba pang mga motorista.

"Maging mas maingat po tayo sa pagmamaneho natin, kasi puwedeng masira at mawala ang buhay natin sa isang iglap lang, o kaya naman, ng ibang tao."

"2 years old himalang nkaligtas kht total wrecked ang sasakyan nila,naulila man sya cgurado may mgndang plano ang Diyos sa buhay nya.Naiimagine ko p lng n gumgapang sya nung nkita nila haayysss grabe n un..."

"ganyan mangyayare kapag ni nonormalize ang pag gamit ng droga, Pag nawala yung tama ng shabu bigla nalang makakatulog yung tao, tas ending sasabihin nawalan ng preno."

"Laman din ako ng lansangan sa araw araw ng aking buhay, sana i-normalize na ang mandatory drug testing kasi kawawa at nadadamay yung mga taong nag-iingat magmaneho sa daan."

"Grabe nakakadurog ng puso. Kawawa ung baby wla na xang mga magulang Lord gabayan po Ninyo palagi ang baby na to saanman po xa mapuntang pamilya."

"Kawawa naman ang bata ng dahil sa tangang driver. Wag mo idahilan na nakatulog ka reponsibilidad mo ang iyong mga pasahero wag kang tutulog tulog."

"Maging responsable naman kau sa daan.. Buhay po naka salalay kawawa naman ung baby..."

"Nakakalungkot dahil sa Isang Hindi matinong driver Dami namatay at kawawa awa Ang paslit. Diyos na mahabagin kayo na po ang bahala."

"Really sad. Imagine losing both your parents at age 2. You won’t even understand what’s going on. You’ll just keep looking for them. Calling out. Waiting. But they’re not coming back."

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang umano'y nakatulog na driver na nagdulot ng karambola, na posible umanong maharap sa patong-patong na kaso kabilang na ang reckless imprudence resulting in multiple homicide.

KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!