Nagbigay ng pahayag ang peace and development worker at independent consultant na si Mags Maglana kaugnay sa pananakot ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa isang negosyante.
Sa latest Facebook post ni Maglana nitong Sabado, Marso 3, nanawagan siya sa mga lider ng lipunan na magsalita kaugnay sa isinampang kaso laban kay Duterte.
“Society’s leaders must also speak up, particularly those seeking mandates through the May 12 elections. Whole-of-society responses are essential to strengthen the rule of law and seek holistic solutions to prostitution,” saad ni Maglana.
Dagdag pa niya, “We who are in Davao should continue to stand by our Women Development Code of Davao City (City Ordinance No. 5004), specifically Chapter II, Article I, Section 18: ‘Prostitution shall be recognized as a violation of human rights and exploitation of women who have no real choices for survival.’”
Si Maglana ang isa sa mga katunggali ni Duterte sa pagkakongresista sa unang distrito ng Davao City ngayong 2025 midterm elections.
MAKI-BALITA: Rep. Pulong Duterte, kinasuhan ng 'physical injuries, grave threats'