Ginanap ang pinakainaabangang Miss Universe Philippines 2025 coronation night sa SM Mall of Asia Arena noong Biyernes ng gabi, Mayo 2.
Nilahukan ang prestihiyosong beauty pageant ng 69 na delegado mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Ngunit sa 69 na pambato na nagpamalas ng talino at ganda, si Ahtisa Manalo ng Quezon Province ang higit na nangibabaw, na nadapa pa nga habang rumarampa sa entablado.
MAKI-BALITA: Ahtisa Manalo, nadapa habang rumarampa sa MUPH stage
Subalit sa halip na ikalugmok ang kaniyang naging pagkadapa, nagamit niya pa ito sa question and answer portion ng pageant.
Sabi kay Ahtisa, “They say that a good leader leads by example. Tell us one event in your life when you led by example and the impact it made."
"I fell a while ago onstage. And the thing with me is whenever I fall in life, I always make sure I come back stronger,” sagot naman niya.
Dagdag pa ng pambato ng Quezon, “Last year, I was here on this stage, and for the second time this year, I'm here putting everything on this stage to be Miss Universe Philippines because this is mine and my grandmother's shared dream, and she passed away early this year. And this is my ode to her."
Itinanghal si Ahtisa bilang bagong Miss Universe Philippines 2025. Ipinasa sa kaniya ni Miss Universe Philippines 2024 at Miss Universe-Asia 2024 Chelsea Manalo ang korona bilang tanda ng pagkawagi.
MAKI-BALITA: Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!
Tila ang pagkapanalo niyang ito ay isang maagap na regalo ng uniberso sa kaniya. Isinilang kasi siya noong Mayo 25, 1997 sa Candelaria, Quezon.
Hindi na bago kay Ahtisa ang mundo ng pageantry. Bata pa lang, rumarampa na siya sa entablado. In fact, sumali siya sa pageant noong Grade 4 dahil free tuition daw ang grand prize.
“You know, I started my pageant journey at 10 years old to put myself through school, to help my family, and I feel like if I become Miss Universe, it will be a great culmination of my 17-year pageant journey and I feel like it would give a lot of people... it would be a good representation of going for your dreams," aniya sa preliminary interview ng Miss Universe 2025.
Hanggang sa noong 2018, nasungkit niya ang titulong Binibining Pilipinas International na nagdala sa kaniya sa Tokyo, Japan para magsilbing kinatawan ng Pilipinas sa Miss International 2018 kung saan naiposisyon niya ang sarili bilang first runner-up.
At noon ngang 2024, nagkaharap sina Chelsea at Ahtisa sa parehong entablado ng Miss Universe.
Bagama’t hindi naiuwi ang korona, nakuha naman ni Ahtisa ang ikalawang puwesto at itinalaga pa bilang Miss Cosmo Philippines 2024 kung saan napabilang siya sa Top 10 nang ganapin ang inaugural edition nito sa Vietnam.
Pero lampas sa entablado ng pagrampa at pagtatanghal ng ganda, si Ahtisa ay isang anak at apo na malapit sa kaniyang lola. Isa rin siyang accountant, negosyante, at gamer. Isa siyang walang hanggang potensyal.
Pagbati, Ahtisa!