May 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, pinabulaanang kailangan ng National ID para makaboto: ‘Hindi totoo!’

Comelec, pinabulaanang kailangan ng National ID para makaboto: ‘Hindi totoo!’
Photo courtesy: Comelec/Facebook

Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang kumakalat umanong abiso na nagsasabing kinakailangan ng National ID upang makaboto sa National and Local Elections (NLE) sa Mayo 12, 2025. 

Sa kanilang opisyal na Facebook page, nilinaw ng komisyon nitong Sabado, Mayo 3, na hindi totoo at hindi galing sa kanila ang pekeng abiso na may kaugnayan sa papalapit na halalan.

"Ang graphics na kumakalat ukol sa pagdala ng inyong National ID upang makaboto sa Mayo 12, 2025 National and Local Elections ay hindi totoo at hindi galing sa tanggapan ng Commission on Elections, at hindi ipinost sa official at verified social media channels ng Comelec sa alinmang social media platform," anang komisyon.

Nilinaw rin ng Comelec na kakailanganin lang daw ng botante na ipakita ang kanilang valid ID kung sakaling magkaroon ng problema ang kanilang pangalan sa Election Day Computerized Voters' List (EDCVL).

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

"Hihingan lang na magpakita ng valid ID ang botante kung sakaling hindi matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng EDCVL," anang Comelec.