Naniniwala ang aktres na si Alyssa Muhlach na maraming "cheaters" sa showbiz at kailangan daw silang hiyain publicly upang magtanda.
Sa podcast na "He Said, She Said Podcast" kasama si Chris Young, diretsahang sinabi ni Alyssa ang kaniyang stand patungkol sa cheating.
"There's so much cheaters in showbiz," aniya.
"And it's excused. They should be publicly shamed. They should be so publicly shamed, no one will ever cheat like, that is my stand. That is my stand talaga," paliwanag pa niya.
"Dapat talaga may ano dito eh, yung ano ba tawag doon, yung ibabandera ka sa buong mundo..." dagdag pa.
Paliwanag pa ni Alyssa, kung hindi raw hihiyain ang cheaters ay tiyak na uulitin niya lamang ito at dahil wala namang makapipigil sa kaniya.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Alyssa is friends with Kathryn so dami nyang pinaparinggan dito"
"I agree with publicly shamed. Kaso Pag may scandal ka about cheating, TV stations will market you pa Lalo since you are trending. Bad Publicity is Still publicity for them still about money."
"Baka boring na ung girl. Boys want exciting partners. Let's normalize finding true love."
"di ko talaga gets bakit kailangan mag cheat kung pwde naman maging totoo, if it won't work na then be honest"
"Some guys cheat because they’ve fallen out of love. So even if you shame them wala ka na magagawa kung hindi mag move on. Hindi mo sila mapapahiya."
"ok lang mag cheat pag di kasal parte nmn tlga yan ng buhay"
"Sadly, no amount of shaming will reduce cheating (both sexes). Think about it, even the prospect of imprisonment (for married folks) doesn’t scare them. Especially not the sanctity of marriage."
"Imagine if Philippines have d same cancel culture of South Korea regarding cheaters., every year mauubos mga big names sa industry."