May 04, 2025

Home BALITA

₱400k matatanggap ng pamilya ng mga nasawi sa SCTEX road crash—LTFRB

 ₱400k matatanggap ng pamilya ng mga nasawi sa SCTEX road crash—LTFRB
Photo courtesy: Philippine Road Cross/Facebook

Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatakda umano silang magbigay ng pinansyal na tulong para sa lahat ng pamilyang nasawi sa SCTEX road crash noong Mayo, 1, 2025. 

Ayon sa LTFRB, ipinag-utos na raw nila sa Passenger Accident Management Insurance Agency (PAMI) ang pagproseso sa ₱400,000 na matatanggap ng mga kaanak ng biktima. 

"I instructed PAMI to immediately address the needs of those who are involved in the road crash. They should start identifying the dead bodies and indemnify the families—₱400,000 for each deceased passenger," ani LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III sa media kamakailan.

Samantala, nakatakda ring magbigay ng pinansyal na tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pamilya ng kanilang personnel na nasawi sa naturang insidente.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Matatandaang noong Biyernes, Mayo 2 nang kumpirmahin nilang kabilang si Seawoman 1 Dain Janica Alinas na kapuwa nasawi kasama ang kaniyang asawa habang naulila naman nila ang kanilang 2 taong gulang na anak na nakaligtas sa aksidente.

KAUGNAY NA BALITA: PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Tinatayang nasa ₱250,000 ang matatanggap ng pamilya ni Alinas at nakatakda rin umanong kilalanin at parangalan ng PCG ang kaniyang naging serbisyo sa loob ng limang taon.

Matatandaang nangyari ang aksidente nang salpukin ng isang bus ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasabi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.

KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Samantala noong Biyernes, Mayo 2 nang kumpirmahin ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan umano sa mga biktimang nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang papunta sana sa children’s camp at mga pamilyang magbabakasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp