May 03, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, inireklamo 5 top gov’t officials na sangkot sa pag-aresto kay FPRRD

Sen. Imee, inireklamo 5 top gov’t officials na sangkot sa pag-aresto kay FPRRD
Sen. Imee Marcos (file photo)

Personal na nagtungo si Senador Imee Marcos sa opisina ng Ombudsman upang paimbestigahan ang limang matataas na opisyal ng gobyernong sangkot sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).

Nitong Biyernes, Mayo 2, nang ihain ni Marcos ang “Chairman’s Report” sa Ombudsman na  nagrerekomenda ng criminal at administrative liabilities tulad ng graft, arbitrary detention, at grave misconduct sa limang top government officials kaugnay ng naging pag-aresto kay Duterte noong Marso 11, 2025.

Pinangalanan sa mga inireklamo ng senadora sina:

Justice Secretary Jesus Crispin Remulla;

National

19 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index sa Mayo 3

Interior Secretary Jonvic Remulla;

Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil;

PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Maj. Gen. Nicholas Torre, at

Special Envoy on Transnational Crimes Markus Lacanilao.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang reaksyon o pahayag ang naturang mga opisyal sa reklamong inihain ng senadora.

Matatandaang noong Lunes, Abril 28, nang sabihin ni Marcos, chairperson ng Senate Commitee on Foreign Relations, na base raw sa kanilang imbestigasyon sa Senado, lumabas na “politically motivated” umano ang nangyaring pag-aresto kay Duterte.

Ayon pa sa senadora, planado umano ng administrasyon ang pag-aresto sa dating pangulo upang pabagsakin ang mga Duterte.

Matatandaan ding hindi naman sinang-ayunan ng kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos ang naturang pahayag ng senadora.

MAKI-BALITA: PBBM, nag-react sa findings ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘I disagree!’

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11, dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD