Kinumpirma ng Department of Transportations (DOTr) na tuluyan na nilang sinuspinde ang lahat ng unit ng Pangasinan Solid North—ang kompanya ng bus na umararo sa ilang sasakyan sa SCTEX at kumitil ng 10 katao.
Sa panayam ng media kay DOTr Secretary Vince Dizon, isang buwan o 30 araw na suspendido ang lahat ng units ng nasabing bus company.
“Buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay suspended. Hindi lang rutang papuntang Pangasinan kung saan nangyari ang aksidente, kundi yung buong fleet na ng Pangasinan Solid North ay suspended as of now. 30 days suspension,” ani Dizon.
Inabisuhan na rin umano ni Dizon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsampa ng kaso laban sa nasabing kompanya.
“Sinabihan ko ang LTFRB na mag-file ng criminal case against Pangasinan Solid North for and in behalf of the victims of the incident. Apart from administrative sanctions,” anang DOTr secretary.
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 1, nang salpukin ng isang bus ng naturang bus company ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.
KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp
Samantala nitong Biyernes, Mayo 2 nang kumpirmahin ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan umano sa mga biktimang nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang papunta sana children’s camp at mga pamilyang magbabakasyon.
KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp