May 03, 2025

Home BALITA Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak
Photo courtesy: PCG/FB at Tarlac PDRRMO/FB

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na kabilang ang isang PCG personnel sa 10 nasawi sa SCTEX road crash noong Mayo 1, 2025.

Kinilala ang biktima na si Seawoman 1 Dain Janica Alinas na kapuwa nasawi kasama ang kaniyang asawa habang naulila naman nila ang kanilang 2 taong gulang na anak na nakaligtas sa aksidente.

Sa panayam ng media kay PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan nitong Biyernes, Mayo 2, sinabi niyang nakahanda umano ang PCG na magbigay ng financial assistance sa naulilang anak ni Alinas.

“Ikinalulungkot po namin sa Philippine Coast Guard yung nangyari at nakahanda naman po kami. Actually may naka-prepare na po tayo financial support para do'n sa bata [anak], ₱250,000,” saad ni Gavan.

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile

Matatandaang nangyari ang aksidente nang salpukin ng isnag bus ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasabi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.

KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Samantala nitong Biyernes, Mayo 2 nang kumpirmahin ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan umano sa mga biktimang nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang papunta sana children’s camp at mga pamilyang magbabakasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp