December 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Paalala ni Romnick Sarmenta sa a-dose: 'Piliin mo 'yong makakabuti sa bayan'

Paalala ni Romnick Sarmenta sa a-dose: 'Piliin mo 'yong makakabuti sa bayan'
Photo Courtesy: Romnick Sarmenta via MB

Tila may paalala ang aktor na si Romnick Sarmenta para sa mga Pilipino sa darating na 2025 midterm elections.

Sa X post ni Romnick nitong Biyernes, Mayo 2, hiling niya na sana raw ay ang ikabubuti ng sarili at kapuwa ang piliin.

“Hindi yung sikat, mayaman at nakasanayang pangalan.Kundi yung maganda ang plataporma para sa lahat,” saad ni Romnick.

Dagdag pa niya, “Piliin mo yung makakabuti sa bayan, hindi yung magaling mangako at magpalusot kapag nakasuhan.”

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa politika. Hayagan din niyang sinuportahan sa pagkapangulo si dating Vice President Leni Robredo at ang running mate nitong si Atty. Kiko Pangilinan noong 2022 presidential elections.

MAKI-BALITA: Romnick Sarmenta kung bakit si Kiko: 'Kaagapay sa hanap buhay; Obrero ng Pilipino'