May 03, 2025

Home BALITA Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile
Photo courtesy: Freepik

Dead on the spot ang nasakoteng 44 taong gulang na drug suspect matapos umanong bumangga ang police mobile na kaniyang sinasakyang sa Barangay Natividad, Barotac Viejo, Iloilo.

Tatlong pulis naman ang naitalang sugatan matapos mawalan umano ng preno ang nasabing mobile at nahulog sa malalim na bahagi ng kalsada. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pabalik na raw sana ng bayan ng Batad ang police mobile na sinasakyan ng biktima matapos siyang ipa-drug test sa PNP Crime Laboratory in Camp Delgado at mangyari ang naturang aksidente.

Samantala, agad daw dinala sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot pang buhay ang suspek. Patuloy din ang imbestigasyon hinggil sa naturang aksidente.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak