May 03, 2025

Home BALITA Probinsya

Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp

Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp
Photo courtesy: Tarlac PDRRMO/Facebook

Kinumpirma ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na karamihan umano sa mga biktimang nasawi sa SCTEX road crash ay mga batang papunta sana children’s camp at mga pamilyang magbabakasyon.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB kay PDRRMO Chief Marvin Guiang nitong Martes, Mayo 2, 2025, nilinaw niya na kabilang sa mga nasawi ang apat na bata at apat na matanda.

“Marami po talaga yung nasa Nissan Urvan. Kasi siyam po ang sakay, walo po dun ang namatay… Actually ma'am apat po yung bata, apat po yung adult,” ani Guiang.

Dagdag pa niya, “A-attend lang ng youth camp sa isang religious group po na gagawin sa Pangasinan kaya po may mga bata.” 

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Matatandaang noong Huwebes, Mayo 1, nang salpukin ng isnag bus ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasabi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.

KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Samantala, isang ama naman ang emosyonal na nakapanayam ng GMA Integrated news ang isang padre de pamilyang si Elmer Añonuevo kung saan parehong nasawi ang kaniyang mag-ina na noo’y kabilang sa mga pupunta sana naturang children’s camp. 

“Wala na. Yung pinakamamahal kong anak, yung bunso ko, sila ng asawa ko. Nito ngang pag-alis nila, sabi niya, ‘Papa, tatawag ka sa akin ha? ‘Pag hindi, ako tatawag sa iyo,” ani Elmer.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver na posible umanong maharap sa patong-patong na kaso kabilang na ang reckless imprudence resulting in multiple homicide.