Nag-isyu na ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order para sa moto vlogger na namakyu sa isang pick-up driver sa Zambales kamakailan.
Sa latest Facebook post ni Senador JV Ejercito nitong Biyernes, Mayo 2, mababasa ang kabuuang nilalaman ng direktiba ng ahensya para sa moto vlogger na si “Yanna”
“This has reference to the ongoing investigation by this office into a viral video circulating on social media platforms. The video depicts an altercation that transpired between you and the driver of a Nissan Navara [...]. The incident reportedly occurred on a dirt path located in Zambales,” saad sa direktiba ng LTO.
Kasalukuyang nakadeklara bilang “preventively suspended” ang driver's license ng nasabing moto vlogger sa loob ng 90 araw.
Samantala, ayon kay Ejercito, nauna nang maglabas si Yanna ng public apology sa nagawa nito.
“We need to respect locals dahil nakikiraan lang tayo sa kanilang lugar, reminder to all riders,” dugtong pa ng senador.