May 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Joel Villanueva, inendorso si Kiko Pangilinan: ‘He’s very hardworking’

Joel Villanueva, inendorso si Kiko Pangilinan: ‘He’s very hardworking’
MULA SA KALIWA: Senador Joel Villanueva at dating Senador Kiko Pangilinan (Facebook)

Naghayag ng suporta si Senador Joel Villanueva para sa Senate comeback bid ni dating Senador Kiko Pangilinan sa 2025 midterm elections.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, binanggit ni Villanueva na sa tatlong terminong karanasan ni Pangilinan sa pagiging senador ay nakitaan daw niya ito ng kasigasigan sa trabaho sa Senado.

Ayon sa senador, kailangan ng Senado ang tulad na Pangilinan dahil naipakita nito sa pagiging abogado at karanasan daw nito sa pagiging three-term senator na palagi niyang sinisigurong dumadaan sa malalim na pagsisiyasat ang mga panukalang batas bago ito maipasa.

“I’ve seen how he works. He’s very hardworking,” saad ni Villanueva.

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Matatandaang unang nagkatrabaho sina Villanueva at Pangilinan sa gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan nagsilbi ang una bilang tagapangulo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang ang huli naman ang naging Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization.

Samantala, nahalal si Pangilinan bilang senador ng bansa noong 2001, 2007 at muli noong 2016. Tumakbo siya bilang bise presidente ng bansa noong 2022 elections, kung saan naging runningmate niya si dating Vice President Leni Robredo.

Nakatakda namang ganapin ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.