May 23, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Dulot ng ABS-CBN shutdown: Sagip Pelikula, nabuwag na

Dulot ng ABS-CBN shutdown: Sagip Pelikula, nabuwag na
Photo Courtesy: ABS-CBN Film Project (FB)

Tuluyan nang matitigil ang operasyon ng ABS-CBN Film Restoration o kilala rin bilang Project Sagip Pelikula matapos 14 na taon, ayon sa mismong tagapangulo nitong si Leo Katigbak.

Sa latest Facebook post ni Katigbak noong Huwebes, Mayo 1, sinabi niyang ang pagkabuwag umano ng naturang proyekto ay bahagi ng pinsalang dulot ng pagpapasara sa ABS-CBN noong 2020.

Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-”no” ang 70 kongresista sa pagbibigay ng prangkisa.

Bukod pa rito, binanatan din ang nasabing TV network ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong 2016.

Pelikula

Dolly De Leon, kabilang sa Avatar: The Last Airbender Season 2 cast

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng network at ipinaliwanag na may limitasyon umano ang pagtanggap nila ng local ads.

“Sadly it is still a casualty of the efforts to close down the company in 2020 by a man who wrought havoc and killed dreams as well. For the last few months, we barreled through as much as we can with what meager resources were available to us and until our very last day, we gave it our all,” saad ni Katigbak.

“ABS-CBN Film Restoration had an amazing journey, some 240+ movies scanned, enhanced, restored and remastered, reintroduced to new audiences from as early as 1939,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ng tagapangulo ng proyekto, “While that facet of the business is gone, many aspects of what we used to do will be handled by other ABS departments, including the SAGIP PELIKULA advocacy, jointly by Star Cinema and Cinemo beginning May 2025.”

Sa huli, pinasalamatan ni Katigbak ang bawat indibidwal, institusyon, unibersidad, at paaralang nagbahagi ng kani-kanilang tulong sa iba’t ibang anyo at paraan upang maisakatuparan ang Project Sagip Pelikula.

“Sa mga tumangkilik, naniwala, nanaginip…maraming salamat po. Ako si Leo Katigbak…nakiki-Sagip Pelikula,” pahabol pa niya.