May 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying
Photo courtesy: Comelec and Matt Florido

Ipinadiskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ng Congressional candidate ng 3rd district ng Quezon na si Mayor Matt Erwin Florido matapos ang umano’y voter buying nito sa isang campaign sortie noong Abril 5 at 6.

Sinasabing namigay umano ng envelope na may lamang pera ang isa sa mga representative ni Florido sa audience.

Sa panayam ng media kay Comelec chairman George Erwin Garcia kamakailan, ito raw ang kauna-unahang disqualification case na ipinataw sa isang kandidato na may kaugnayan sa vote buying.

“Hindi lamang nagpakain, kundi namigay ng tig-iisang libong piso. So, ‘yan po ay pagpapatunayan na hindi po hanggang show cause lang ang komisyon,” ani Garcia. 

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Samantala, depensa naman ni Florido, hindi raw mga botante ang inabutan ng pera, sa halip ay mga volunteers umano nila para sa mga gastos ng kanilang pangangampanya. Sa hiwalay na pahayag na inilabas ni Flordio sa kaniyang opisyal na Facebook page noong Huwebes, Mayo 1, iginiit niyang desperado na raw ang kaniyng mga kalaban sa pulitika.

“Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay malinaw na indikasyon na desperado na ang ating kalaban,” ani Florido.

Nilinaw din ng kampo ni Flortido na hindi pa umano pinal ang nasabing disisyon ng Komisyon na kanila pa raw ipepetisyon sa Comelec en banc.