May 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Camille Villar, bahagi pa rin ng ‘Alyansa’ ni PBBM

Camille Villar, bahagi pa rin ng ‘Alyansa’ ni PBBM
Photo Courtesy: Camille Villar, Alyansa para sa Bagong Pilipinas (FB)

Inanunsiyo ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na kandidato pa rin nila si House Deputy Speaker at Las Piñas Lone District Rep. Camille Villar sa kabila ng pag-iimbestiga ng Palasyo sa water utility company na pagmamay-ari ng pamilya nito.

MAKI-BALITA: PBBM, paiimbestigahan reklamo sa 'kakulangan' sa serbisyo ng PrimeWater

Sa pahayag na inilabas ng campaign manager ng Alyansa na si Navotas City Rep. Toby Tiangco nitong Biyernes, Mayo 2, sinabi niyang nirerespeto nila ang track record ni Villar sa serbisyo publiko.

“We respect her track record in public service and trust that she, like all our candidates, supports efforts that promote transparency, accountability, and the public good,” saad ni Tiangco.

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Dagdag pa niya, “In a Bagong Pilipinas, the welfare of the people always comes first.”

Samantala, hindi naman makakadalo si Villar sa campaign rally ng Alyansa na nakatakdang ikasa ngayong araw, Mayo 2, sa Lucena City.

Matatandaang inendorso kamakailan ni Vice President Sara Duterte si Villar sa isang 15-second video campaign ad.

MAKI-BALITA: Camille Villar, nakipag-fist bump kay VP Sara: 'Walang iwanan'