January 11, 2026

Home BALITA National

SP Chiz sa Labor Day: 'Bigyang-pugay ang ating mga manggagawa!'

SP Chiz sa Labor Day: 'Bigyang-pugay ang ating mga manggagawa!'
Photo courtesy: Chiz Escudero (FB)

May mensahe si Senate President Chiz Escudero para sa araw ng pagkilala sa mga manggagawang Pilipino ngayong Mayo 1, Labor Day.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "Ang Labor Day ay isang mahalagang pagkakataon upang bigyang-pugay ang ating mga manggagawa—ang tunay na haligi ng ating ekonomiya. Sa kanilang sipag, dedikasyon, at walang sawang pagsisikap, naitataguyod ang mga industriya, negosyo, at serbisyo na nagbibigay-buhay sa ating bansa at kabuhayan sa mga mamamayan."

"Sa kasalukuyan, ang kabuuang lakas-paggawa ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit 50 milyong katao. Mula sa iba't ibang sektor—katulad ng agrikultura, konstruksyon, transportasyon, at industriya— sila ay nagsisilbing lakas ng ating ekonomiya."

"Ngayong araw, ating ipagdiwang ang tagumpay at sama-sama nating kilalanin ang kanilang mahalagang ambag sa ating lipunan."

National

VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu

"Marami pong salamat sa inyong sakripisyo at pagsusumikap. Mabuhay ang manggagawang Pilipino," aniya.