May 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

Rep. France Castro, Rep. Arlene Brosas, binisita si Ex-VP Leni sa Naga

Rep. France Castro, Rep. Arlene Brosas, binisita si Ex-VP Leni sa Naga
Courtesy: KOALISYONG MAKABAYAN/FB

Ibinahagi nina ACT Teachers Party-List Rep. France Castro at Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas ang mainit na pagtanggap sa kanila ni dating Vice President Leni Robredo nang bisitahin nila ito sa Naga City bago ang kanilang Miting de Avance nitong Huwebes, Mayo 1.

Sa magkahiwalay na Facebook post, nagbahagi sina Castro at Brosas ng ilang mga larawan ng pagkadaupang-palad nila kay Robredo.

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Atty. Leni Robredo,” ani Castro.

Ibinahagi ni Castro na napag-usapan nila nina Robredo at Brosas ang tungkol sa pangagampanya at sa mga “napapanahong isyu sa politika.”

Eleksyon

Nakabubuhay na sahod, 'di matutupad kung puro 'dinastiya' mahahalal sa eleksyon – Espiritu

Sinabi rin ni Brosas sa isang hiwalay na post na bukod sa kalagayan ng bansa, napag-usapan daw nila nina Robredo at Castro kung paano magtulungan upang matamo ng bansa ang tunay na pag-unlad.

“Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa Makabayan,” mensahe rin ni Brosas kay Robredo.

Kasalukuyang kandidato sa pagkasenador sina Castro at Brosas sa ilalim ng Makabayan Coalition, kung saan isasagawa ang kanilang miting de avance sa Naga nitong 3:00 ng hapon, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa o Labor Day.

Tumatakbo naman si Robredo bilang alkalde ng Naga City.

Nakaktakdang isagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.