“When the time comes, you will answer—not to us—but to the very forces of justice you have turned your back on…”
Mariing kinondena ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tinawag niyang “harassment” laban sa kaniyang pamilya, matapos ang pagdating ng mga CIDG at Special Action Force (SAF) personnel sa lungsod.
"We strongly condemn the recent actions of the PNP-CIDG that have clearly crossed the line into harassment against my family. It is disheartening to see that those who are sworn to uphold the law are being blinded—not by justice, but by money,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Miyerkules, Abril 30.
“The real criminals in our society are being ignored while some in the higher ranks have seemingly sold their integrity,” giit din niya.
Ayon pa sa mambabatas, dinodokumento raw nila ang lahat ng mga pangyayari at nililista ang pangalan ng mga sangkot sa naturang pangha-harrass daw sa kanilang pamilya sa Davao City.
Mula raw noong Miyerkules ay na-monitor nila ang pagdating ng 30 CIDG operatives at 90 SAF personnel mula sa Luzon.
“When the time comes, you will answer—not to us—but to the very forces of justice you have turned your back on. You won’t be facing people with money, but people who are ready to stand their ground,” ani Duterte.
“And to those among you from SAF who blindly follow these operations, know this—we already know where you are heading, and many are waiting,” saad pa niya.
Ang naturang pagdating ng mga personnel sa Davao City ay matapos ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.