“Let us not allow politics to get in the way of public service…”
Naglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa inilabas ng Ombudsman na anim na buwang preventive suspension laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia.
“I have been made aware of the preventive suspension issued against Governor Gwendolyn Garcia of Cebu,” ani Marcos sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 1.
Binanggit din ng pangulo na mahalagang isulong ang “rule of law” at “due process,” lalo na raw ngayong papalapit na ang eleksyon.
“Let me be clear: in a time like this—so close to the elections—it is vital that we uphold the rule of law and observe due process. Any action that affects the mandate of a duly elected official must go through the proper channels and in accordance with the Constitution and the Omnibus Election Code,” ani Marcos.
“Governor Garcia has served Cebu with strength and consistency. Until all legal questions surrounding this suspension are resolved, she deserves to be treated fairly and with the respect owed to her office,” dagdag niya.
Nagpaaalala rin ang pangulo na huwag payagang humadlang ang politika sa “public service.”
“We must always be guided by the law, by prudence, and by what is best for the Filipino people,” saad ng pangulo.
Matatandaang noong Abril 29 nang iutos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban kay Garcia dahil umano sa pag-isyu niya ng quarry permit sa isang protected area noong 2024.
Kinuwestiyon naman ni Garcia ang naturang desisyon ng Ombudsman at iginiit na hindi siya bababa sa puwesto.