Nananawagan ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mga mananampalataya na ipanalangin ang nalalapit na pagdaraos ng conclave ng mga cardinal para sa pagpili ng susunod na Santo Papa, kapalit ng yumaong si Pope Francis.
Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, sama-samang ipanalangin ang mga cardinal electors upang gabayan sila ng Espiritu Santo sa kanilang mahalagang misyon.
“Let us accompany our Cardinal electors with our fervent prayers as they enter the conclave. May the Holy Spirit guide them to rise above personal interests and focus instead on discerning who can faithfully carry the sweet yet heavy burden of leading the Church forward — in the spirit and vision of the late Pope Francis,” mensahe pa ng obispo sa church-run Radyo Veritas.
Binigyang-diin ni Florencio ang kahalagahan ng gagampanan ng mga cardinal sa kasalukuyang yugto ng Simbahan.
“We hope and pray that the Holy Spirit will guide them to elect someone who will continue the pastoral and missionary zeal of Pope Francis," aniya.
Hinikayat naman ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos ang mga mananampalataya na magdasal para sa mga cardinal sa kanilang mahalagang tungkulin.
“In this time of discernment, we lift our prayers in unity, asking for the guidance of the Holy Spirit upon those entrusted with this solemn responsibility,” aniya.
Binigyang-diin ng Obispo ang bigat ng hamon at biyayang kaakibat ng magiging pamumuno ng bagong Santo Papa, na haharap sa isang mundo at Simbahang kapwa humaharap sa mga pagsubok at tagumpay.
Sa kaniyang panig, hiniling rin naman ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya na magbuklod sa panalangin para sa isasagawang conclave ng mga cardinal.
Sinabi ng obispo na tungkulin ng mga Kristiyano ang ipanalangin ang mga cardinal upang sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu ay maihalal ang kahalili sa namayapang si Pope Francis.
"The College of Cardinals is now tasked with selecting the new pope in a conclave. We can participate in this process by praying for the gift of discernment so that the Cardinal - electors may choose the right successor to Pope Francis," ayon kay Mesiona.
Si Pope Francis ay pumanaw noong Abril 21 sa edad na 88 matapos ang ilang buwang gamutan dahil sa komplikasyon sa baga.
KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse
Sa kasalukuyan, 124 cardinal electors mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang inaasahang boboto sa loob ng Sistine Chapel upang pumili ng susunod na Santo Papa.
Ayon sa batas ng Simbahan, tanging ang mga cardinal na wala pang 80 taong gulang ang maaaring bumoto sa conclave.
Ang misa para sa halalan ng Santo Papa (Pro Eligendo Papa) ay gaganapin sa St. Peter’s Basilica sa Mayo 7, alas-10:00 ng umaga sa pangunguna ni Cardinal Giovanni Battista