Naglabas ng opisyal na pahayag ang Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) laban sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakadawit ng anak ng negosyanteng si Anson Que, na si Alvin Que, bilang umano'y mastermind sa pagpapakidnap at pagpaslang sa kaniyang sariling ama noong Abril.
Itinuro ng nahuling suspek na si David Tan Liao ang anak na Que na umano'y nasa likod ng krimeng naganap sa kaniyang negosyanteng ama.
Pero paglilinaw ng pulisya, wala raw maipakitang ebidensya ang suspek para patunayan ang matinding akusasyong ito. Itinuring nila ito sa ngayon bilang "diversionary tactic" upang ilihis ang patutunguhan ng imbestigasyon, at matukoy ang tunay na tao sa likod ng krimen.
KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Anson Que, itinurong mastermind sa pagpatay sa sariling ama
Kinondena naman ng grupong pinamumunuan ni Teresita Ang See, ang mga paratang ni Liao laban sa anak na Que.
“We call the attention of the PNP and express our outrage at your release of the extra-judicial confession of David Tan Liao. Why is the word of a notorious criminal the SOLE source of your evidence? Why did Alvin Que become a person of interest only on the word from Liao, a known kidnapper and gun for hire responsible for the deaths of more than a dozen kidnap victims?” bahagi ng pahayag.
“Where is the investigation that corroborates Liao’s claim? Are there other people who affirm this single statement? Where is the physical and/or digital evidence that supports the claim that the son is involved?" dagdag pa.
Binanatan din ni See ang media outlets sa paglalabas daw kaagad ng mga impormasyong hindi na-verify o accurate.
"We expect better from veteran journalists than to be the mouthpiece of law enforcers who failed and continue to fail to do their work. Does media no longer have journalistic rules to confirm veracity and accuracy?” aniya.
Batay pa sa pahayag, isinuko ni Alvin Que ang mobile phones para isailalim sa forensics investigation, batay na rin sa payo ng legal counsel.
Hinikayat naman ni See ang PNP na mag-demonstrate ng "integrity" at "diligence" sa kanilang investigative work hinggil sa kaso.
"We urge the Philippine National Police to take this opportunity to demonstrate integrity and diligence in their investigative work—the people's trust must be earned through actions, not assertions," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang PNP tungkol dito.