May 01, 2025

Home BALITA National

Bilang House Speaker: Romualdez, may pangako sa mga manggagawang Pilipino

Bilang House Speaker: Romualdez, may pangako sa mga manggagawang Pilipino
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nagbitiw ng pangako para sa mga manggagawang Pilipino si House Speaker Martin Romualdez, na sinabi niya sa kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng "Labor Day," Huwebes, unang araw ng Mayo.

Mababasa sa kaniyang Facebook post ang taos-pusong pagpupugay at pagpapasalamat sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa.

"Alam ko po na hindi madali ang araw-araw na hamon—mula sa maagang paggising, mahabang biyahe, at matinding pagod para lang maitaguyod ang pamilya. Kayong mga guro, nurse at doktor, magsasaka at mangingisda, pulis at sundalo, construction worker, driver, empleyado, OFW, at marami pang iba—kayo ang tunay na lakas ng ating ekonomiya," aniya.

Kaya naman bilang pinuno ng Kamara De Representantes, ipinangako ni Romualdez na titiyakin niyang magkakaroon ng mga batas at programang tunay na magbibigay ng tulong sa iba't ibang uri ng manggagawa.

National

PBBM, nagsalita hinggil sa pagsuspinde kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia

"Hindi sapat ang isang araw para ipagdiwang ang inyong kabayanihan. Kaya bilang inyong Speaker, sisiguraduhin kong patuloy tayong gagawa ng mga batas at programang tunay na makakatulong sa inyo—para sa mas maayos na sahod, ligtas na kondisyon sa trabaho, at mas magandang kinabukasan para sa inyong mga anak," aniya.

Bilang pagwawakas, "Saludo po ako sa inyo—hindi lang ngayong araw, kundi araw-araw. Mabuhay ang manggagawang Pilipino!"

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez saludo sa mga manggagawang Pilipino: 'Tunay na lakas ng ekonomiya!'