April 30, 2025

Home BALITA

Veteran journalist, pinatay sa loob ng bahay habang nanonood ng TV

Veteran journalist, pinatay sa loob ng bahay habang nanonood ng TV
Johnny Dayang via Manila Bulletin

Pinatay ang beteranong mamamahayag na si Juan "Johnny" P. Dayang sa loob ng kaniyang bahay sa Kalibo, Aklan nitong Martes ng gabi, Abril 29.

Sa ulat ng Manila Bulletin, idineklarang dead on arrival si Dayang, ayon kay Police Capt. Aubrey Ayon, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office.

Sa ulat ng Kalibo police, nanonood nang telebisyon ang 89-anyos na mamamahayag nang pasukin ng gunman ang bahay nito sa Barangay Andagao at saka pinagbabaril. 

Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo. 

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng suspek. 

Si Dayang ay ang longtime president ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI). 

Naging kolumnista rin siya ng Balita at Tempo ng Manila Bulletin. 

Bukod dito, naging presidente rin si Dayang na Manila Overseas Press Club (MOPC) at direktor at board secretary of the National Press Club (NPC).