April 30, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sam Verzosa, pinutulan ng kable ng kuryente sa campaign sortie sa Tondo

Sam Verzosa, pinutulan ng kable ng kuryente sa campaign sortie sa Tondo
Photo courtesy: Screenshots from Filipino Vines Originals (YT)

Napag-usapan nina Ogie Diaz at iba pang co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang nangyari raw sa isa sa mga campaign sortie ng Manila mayoral candidate na si Sam "SV" Verzosa kamakailan.

Ayon kay Ogie, nakakaloka raw dahil nawalan daw ng kuryente sa campaign rally ng kandidato sa Moriones, Tondo habang nagsasalita ito.

Sa speech ni SV, sinasabi niyang panandalian lamang daw ang mga perang ayudang ipinamimigay sa kanila, saka nawalan ng tunog ang hawak na wireless microphone. Pero kung babasahin ang bigkas ng mga labi ni SV, ang sinasabi niya, kapalit naman ng maling boto ay panghabambuhay na paghihirap.

Mabuti na lamang daw at nagbayanihan ang mga dumalo at kaniya-kaniyang bukas na lang sila ng cellphone para lumiwanag.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

May nagamit namang megaphone si SV kaya tuloy pa rin ang pangangampanya.

"Akala nila, kaya nila tayong pigilan dito," aniya.

"Hindi nila alam, kakampi ko lahat ng mga taga-Tondo!" dagdag pa niya habang nagsisigawan naman ang mga tao.

Napag-alaman daw na sinadyang putulan ng kable ang nabanggit na campaign rally, pero hindi pa tukoy kung sino ang may kagagawan nito.