April 30, 2025

Home BALITA National

Pilipinas, balak harangin asylum application ni Roque

Pilipinas, balak harangin asylum application ni Roque
Photo courtesy: DOJ/website at screenshot from Harry Roque/FB

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na nakatakda umanong harangin ng gobyerno ng Pilipinas ang asylum application ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa Netherlands.

Sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty, iginiit niyang may plano umano silang magsumite ng dokumento sa pamahalaan ng Netherlands na tututol sa naturang aplikasyon ni Roque. 

“Binigyan na ako mismo ng instruction ni [Justice] Secretary [Jesus Crispin] Remulla na kapag lumabas na 'yung warrant of arrest ay magsulat na sa pamahalaan ng the Netherlands at ... ipaalam sa kanila na may ganitong kaso, may warrant si Harry Roque,” ani Ty.

Matatandaang kamakailan lang nang tuluyang sampahan sina Roque at Cassandra Ong ng qualified human trafficking charges matapos umanong mapatunayan ang kanilang kaugnayan sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pampanga noong 2024.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Dagdag pa ni Ty, “Malinis ang konsensya natin, alam naman natin na ang ginagawa natin ay walang kinalaman sa politika, naaayon lang sa ebidensya kasi alalahanin natin noong ni-raid ng PAOCC (Presidential Anti-Organized Crime Commission) ang Lucky South 99 wala naman silang intensyon na idawit si Atty. Harry Roque.”

Si Roque ay kasalukuyang nananatili sa Netherlands habang inaantay ang resulta ng kaniyang asylum application, matapos siyang magtago ng ilang buwan sa Pilipinas at muling nasilayan ng publiko sa The Hague. 

KAUGNAY NA BALITA: Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’