May 23, 2025

Home BALITA National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'
Photo courtesy: Win Gatchalian (FB)/Freepik

Nabahala si Sen. Win Gatchalian sa bilang ng mga junior high school at senior high school graduates na hindi "functional literate" o hindi makapagbasa, makapagsulat, makapagkuwenta, o makaunawa noong 2024.

Sa isinagawang "Public Hearing of the Committee on Basic Education" na pinangunahan ng committee head na si Sen. Gatchalian, Miyerkules, Abril 30, tinalakay sa nabanggit na pagdinig ang initial results ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS), na inilahad naman ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa datos, tinatayang aabot sa 18.96 milyong mga graduate ng JHS at SHS noong 2024 ang hindi makapagbasa o makaunawa sa binabasa niyang teksto, gaya halimbawa ng isang simpleng kuwento. Ayon kay Assistant National Statistician Adrian Cerezo, 79% ng mga nagtapos ng SHS noong 2024 ay maikokonsiderang "functional literate."

Inilahad din mula sa resulta na sa kabuuan, nasa 24.8 milyong mga Pilipino ang may problema pagdating sa pag-unawa sa isang simpleng kuwento.

National

Research vessels ng BFAR, binomba ng tubig at ginitgit ng Chinese Coast Guard

Ayon kay Gatchalian, "Hanggang may hindi marunong magsulat, magbasa at mag-compute, hindi mawawala ang kahirapan sa ating bansa. Kailangan itong tutukan at agapan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon."

"Paano nag-graduate pero hindi marunong magbasa, magsulat, at mag-compute? Iminungkahi natin sa DepEd na tutukan ito para agad na maagapan at hindi lumala," saad pa niya.