April 30, 2025

Home BALITA National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero
NAIA (photo courtesy: Manila Bulletin)

Pinagbabawalan na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang lahat ng kanilang security personnel na hawakan ang pasaporte ng mga pasahero, kasunod ng kamakailang isyu tungkol sa "punit na passport."

"To better protect your travel documents and reduce unnecessary contact, all NAIA security personnel have been instructed not to touch passports during terminal entry and security verification. Passengers will simply be asked to show their valid ID or travel document by holding it up themselves," saad ng NAIA sa isang pahayag nitong Martes, Abril 29.

Binanggit din ng NAIA ang kamakailang insidenteng nangyari sa Terminal 3 kung saan isang senior citizen ang hindi pinayagang makaalis ng Pilipinas dahil sa punit sa pasaporte, kahit na pasado raw ito sa Immigration.

BASAHIN: Kahit pasado sa Immigration: Netizen, inireklamo isang airline dahil hindi pinaalis tatay niya sa 'Pinas

National

VP Sara, pinasalamatan imbestigasyon ni Sen. Imee sa ‘pagdukot’ kay FPRRD

"The recent incident involving a torn passport occurred at an airline check-in counter at NAIA Terminal 3. There has been no report of any mishandling involving NAIA security personnel.

"As the airport operator, and in the spirit of teamwork with all stakeholders, we continue to take proactive measures to ensure the safety and security of all passengers," dagdag pa nito.

"We are working closely with our airline partners, the Department of Transportation (DOTr), and the Bureau of Immigration (BI) to strengthen procedures and make sure incidents like this do not happen again."

Kaugnay nito, nauna nang naglabas ng pahayag ang Cebu Pacific tungkol sa insidente ng punit na passport. 

BASAHIN: Local airline sa nagreklamong pasahero dahil sa punit na passport: 'Hindi po kami basag-trip'