May 01, 2025

Home BALITA National

Mas malaki gastos kaysa kita: Budget deficit ng gobyerno sa Q1, pumalo ng halos 76%

Mas malaki gastos kaysa kita: Budget deficit ng gobyerno sa Q1, pumalo ng halos 76%

Pumalo sa halos 76% o halos ₱479 bilyon ang karagdagang budget deficit ng Pilipinas sa loob lamang ng first quarter ng 2025 kumpara sa parehas na panahon noong 2024, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ipinakita sa datos ng BTr na ang budget deficit mula Enero hanggang Marso ngayong taon ay pumalo sa ₱478.8 bilyon—mas mataas ng 75.62% mula sa ₱272.6 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon, dahil ang paggastos ng gobyerno ay lumampas sa revenue growth o kita.

Ipinakita rin sa naturang datos na ang deficit sa unang tatlong buwan ng 2025 ay umabot sa halos 31% target na deficit ngayong taon na nasa ₱1.54 trilyon.

“With dividend remittances and other non-tax receipts expected to materialize in the succeeding quarters, and as expenditures continue to track the full-year program in a more balanced manner, the 2025 fiscal deficit is projected to remain within the P1.5 trillion target,” saad ng BTr sa isang pahayag noong Miyerkules, Abril 29. 

National

ITCZ, nakaaapekto sa Palawan at Mindanao; easterlies naman sa mga natitirang bahagi ng PH

Mula Enero hanggang Marso, gumastos umano ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ng kabuuang ₱1.48 trilyon—tumaas ng ₱270.6 billion o mahigit 22%—mula sa ₱1.21 trilyon noong nakaraang taon. 

Ayon sa BTr, ang mga paggastos na ito ay umabot sa halos 31 porsyento ng ₱6.18 trilyon na full-year disbursement program para sa 2025.