January 04, 2026

Home BALITA Metro

Delivery rider, patay habang nakapila sa ayuda sa Marikina

Delivery rider, patay habang nakapila sa ayuda sa Marikina
(freepik)

Binawian ng buhay ang isang delivery rider habang nakapila sa ayudang ipinamamahagi sa Marikina sports complex noong Lunes, Abril 28. 

Nabatid ng Marikina City Police nitong Martes, Abril 29, na nakapila ang 20-anyos na delivery rider para sa ipinamamahaging ayuda. 

Gayunman, nawalan umano ng malay ang binata sa naturang lugar at isinugod sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center dakong 4:20 ng hapon, ngunit kalauna'y namatay.

Ayon sa pulisya, idineklara ng mga doktor na "natural death" ang dahilan ng pagpanaw ng delivery rider. 

Metro

20.7°C, naitala sa QC; pinakalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong amihan season

Samantala, hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.