April 29, 2025

Home BALITA National

Taste Test? DA officials, kumain ng NFA rice na ibebenta ng ₱20/kilo

Taste Test? DA officials, kumain ng NFA rice na ibebenta ng ₱20/kilo
screegrab: PTV/FB

Kumain ng naisaing na NFA rice ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes, Abril 29, upang ipakita sa publiko na maganda ang kalidad ng nasabing bigas na plano nilang ibenta ng ₱20 kada kilo. 

Pinangunahan ito ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. upang patunayan na maganda at ligtas ang kalidad ng naturang bigas na ibebenta nila sa publiko. 

Matatandaang inulan ng samu't saring kritisismo ang nakatakdang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 matapos ang naging pahaging ni Vice President Sara Duterte na ito raw ay panghayop at hindi pantao.

“Mayroon akong pagdududa ha? Na magbebenta sila ng 20 per kilo na bigas pero hindi pantao, panghayop,” ani VP Sara.

National

Chinese na may dala umanong ‘spy equipment,’ inaresto ng NBI malapit sa Comelec

KAUGNAY NA BALITA: ₱20 na bigas ng PBBM admin, kinontra ni VP Sara: 'Hindi pantao, panghayop'

BASAHIN: DA nasaktan sa paratang ni VP Sara sa ₱20 na bigas: 'DA family is deeply hurt'

Sa isang press conference nitong Martes, kinumpirma ng DA na ilulunsad nila ang ₱20 kada kilo ng bigas sa Cebu sa darating na Mayo, bilang bahagi ng pilot launch ng programa sa rehiyon ng Visayas.

Samantala, posible raw masimulan sa Enero 2026 ang mass rollout ng pagbebenta ng ₱20 kada kilo ng bigas. 

“Ang target namin is 2026, maybe January. There are so many things to do. First of all, we need the right data. We need to experience, at least for six months, kung paano patakbuhin ito. Maraming factors e,” ani Laurel.