Nakasama ang silvanas ng Pilipinas sa “50 best cookies in the world” ng TasteAtlas, isang kilalang international online food guide.
Base sa Facebook post ng TasteAtlas nitong Lunes, Abril 28, nasa rank 29 ang silvanas matapos itong makakuha ng 4.0 score.
Pagdating naman sa kanilang website, inilarawan ng TasteAtlas ang silvanas bilang snack version ng traditional Filipino dessert na sans rival.
“These frozen cookie sandwiches are made with two cashew-meringue wafers that are held together with a thick layer of buttercream and are generously coated in cashew crumbs,” anang food guide.
Bagama’t plain versions pa lang ng silvanas ay masarap na, minsan ay nilalagyan din ito ng iba’t ibang flavors tulad ng chocolate, strawberry, mocha, at mango.
Mas masarap kainin ang naturang cookies kapag pinalamig ito o galing sa refrigerator.