Nagbigay ng pananaw si Kapamilya actress at Silent Superstar Jodi Sta. Maria hinggil sa selos bilang isa sa mga emosyong nararamdaman ng tao.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Abril 28, tinanong si Jodi kung nakakabuti ba ang selos sa isang relasyon.
Ayon kay Jodi, “Depende ‘yan, e, kung paano natin binibigyang-kahulugan ang mga emosyong nararamdaman natin. For example, ‘yong feelings of jealousy. Ang iisipin natin, selos, masama ‘yan. Negative emotion ‘yan.
“But according to this book na binabasa ko, ‘The Language of Emotion,’ there’s no such thing as a negative or a positive emotion,” pagpapatuloy niya. “Lahat ng emosyon na nararamdaman natin, beneficial. There is a reason why we feel them.”
Dagdag pa ng aktres, “If you are getting jealous about something, it means that maybe a boundary needs to set in place.”
“Or maybe, may boundary na nako-cross,” sundot ni Boy.
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Jodi ang pamamahinga niya pansamantala sa showbiz upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makakuha ng master’s degree sa clinical psychology.
MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria, nag-present sa isang research conference: 'Hindi ko inakala!'