Hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa findings ng kaniyang ateng si Senador Imee Marcos hinggil sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pagdala sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague Netherlands noong Marso 11.
Sinabi ito ni PBBM sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Abril 29, matapos niyang dumalo sa graduation rites ng Philippine National Police Academy (PNPA) "Sinaglawin" Class of 2025 sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite.
"Everyone is entitled to their opinion. I disagree,” giit ng pangulo.
Noong Lunes, Abril 28, nang sabihin ni Sen. Imee, chairperson ng Senate Commitee on Foreign Relations, na base raw sa kanilang imbestigasyon sa Senado, lumabas na “politically motivated” umano ang nangyaring pag-aresto kay FPRRD.
Ayon pa sa senadora, planado umano ng administrasyon ang pag-aresto kay FPRRD upang pabagsakin ang mga Duterte.
“A clear pattern begins to arise where major political incidents precede significant statements and actions of the administration cooperating with the ICC," ani Sen. Imee.
“So it's apparent that the final arrest of the former President on March 11 was part of a whole-of-government effort to bring down the Dutertes as early as possible before 2028," saad pa niya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11, sa pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Pilipinas sa Interpol.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD