April 29, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nanganak na nang nanganak!' Jowa ni Hajji, nag-sorry dahil sa nakakaintrigang post

'Nanganak na nang nanganak!' Jowa ni Hajji, nag-sorry dahil sa nakakaintrigang post
Photo courtesy: Alynna Velasquez (IG)

Humingi ng apology ang longtime partner ng pumanaw na OPM icon na si Hajji Alejandro, na si Alynna Velasquez, matapos malisyahin ng mga netizen ang kaniyang video post nang pag-aalay ng bulaklak sa namayapang partner sa "Walk of Fame" sa halip sa mismong burol nito.

Matatandaang kamakailan lamang, nakasaad sa caption ng kaniyang video na hindi siya makapunta sa lamay ng nakarelasyong OPM icon sa loob ng 27 taon, dahil sa mga bagay na hindi niya kontrolado.

"I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of. But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine!" mababasa sa kaniyang post.

"I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today. You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much! HajjiAlejandro," mababasa pa.

Tsika at Intriga

Sparkle, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol kay Kyline Alcantara

Marami tuloy ang napaisip na baka hindi raw maayos ang relasyon ni Alynna at mga naulilang anak ni Hajji.

Sa panibagong Instagram post, nilinaw ni Alynna na wala siyang masamang intensyon sa naulilang pamilya ni Hajji at humingi ng dispensa sa naging epekto ng kaniyang post.

"Never in my wildest dreams did I imagine that my video would become viral. To me, it was just a quiet and solemn way to honor the man I love," aniya sa Instagram post noong Abril 26.

"I didn't point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate."

"Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion. Nanganak na nang nanganak. Comment section became a debate box."

Pakiusap niya sa mga kaibigan at tagasuporta, "Dear friends and followers, please don't attack or blame the family. There are some members who respect me and those who hate my existence. It's just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize."

"My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time. Life is just so short."

Pagwawakas niya, "Love the people who love the people you love.'"

Samantala, wala namang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng mga anak ni Hajji hinggil sa isyu.

KAUGNAY NA BALITA: Partner ni Hajji di makapunta sa burol, dumiretso na lang sa 'Walk of Fame'