May 22, 2025

Home SHOWBIZ

Joel Torre, proud na nakatrabaho mga dakilang direktor sa Pilipinas

Joel Torre, proud na nakatrabaho mga dakilang direktor sa Pilipinas
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

Bukod sa pagpapasalamat, ipinagmamalaki rin ng batikang aktor na si Joel Torre ang pagkakataong nakatrabaho niya ang mga dakilang direktor sa Pilipinas.

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Abril 27, iniisa-iisa ni Joel ang mga direktor na nakatrabaho niya sa pagi-pagitan ng panahon.

“What I really very grateful about…was working with the greats. You’ve worked with all these directors from Eddie Romero, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Peque Gallaga, Mike De Leon, Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen, Chito Roño, Mario J. [delos Reyes] until Antoinette Jadaone, Erik Matti, Richard Somes,” lahad ni Joel.

Dagdag pa niya, “That whole gamut, it’s about the weight of the artists that you worked with and most of them are National Artists, and some of them are gone. ‘Yon ang isa siguro sa pinagmamalaki ko sa career path, ko or sa body of work ko that I’ve work with.”

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak

Kaya naman isang kaibigan at direktor na Hapones daw ang nagmungkahi kay Joel na gumawa ng libro tungkol sa karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa mga binanggit na direktor.

“You should talk about it; your experiences working with the greats,” sabi umano ng Hapones sa kaniya.