April 29, 2025

Home BALITA Eleksyon

Guanzon, may panawagan sa mga Kakampinks na 'di boboto sa party-list niya

Guanzon, may panawagan sa mga Kakampinks na 'di boboto sa party-list niya
Courtesy: Atty. Rowena Guanzon/FB

May panawagan si P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon sa mga Kakampink na hindi raw boboto sa kaniyang party-list sa 2025 midterm elections.

Sa isang X post nitong Martes, Abril 29, inirekomenda ni Guanzon sa mga Kakambink na iboto ang Mamamayang Liberal Party-list, kung saan si dating Senador Leila de Lima ang first nominee.

“To Kakampink who wont vote for me, vote for @manayleila ML PL,” saad ni Guanzon.

Binanggit din ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner ang isa nilang kaalyado na Akbayan Party-list, kung saan si Atty. Chel Diokno ang first nominee.

Eleksyon

Rita Avila, nagpaalala: 'Huwag na po tayong masilaw sa ayuda'

Ani Guanzon: “Akbayan has enough votes.”

Sa ilalim ng Republic Act 7491 o ang “Party-List System Act”, makakakuha ng isang puwesto sa House of Representatives ang grupong makatatangap ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang boto para sa party-list system.

Maaari namang makakuha ng isa pang dagdag na puwesto sa Kamara ang party-list na makatatanggap ng mahigit sa 2% na kabuuang boto sa eleksyon, ngunit hindi raw maaaring magkaroon ng mas marami sa tatlong puwesto ang isang party-list sa Kongreso.

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa darating na Mayo 12, 2025.