April 28, 2025

Home BALITA National

VP Sara, nakiramay sa pamilya ng mga nabiktima sa ‘Lapu-Lapu Festival’ tragedy sa Canada

VP Sara, nakiramay sa pamilya ng mga nabiktima sa ‘Lapu-Lapu Festival’ tragedy sa Canada
(Photo courtesy: VP Sara Duterte/FB; MB photo)

Nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan dahil sa nangyaring trahedya sa gitna ng Lapu-Lapu Day Celebration na isinagawa ng mga Pilipino sa Vancouver, Canada.

Noong Sabado, Abril 26, nang magsagawa ang libo-libong mga Pilipino ng pagdiriwang para sa Lapu-Lapu Day sa Vancouver nang araruhin ang mga ito ng isang SUV.

Nasa 11 na umano ang nakumpirmang nasawi habang hindi pa mabilang kung ilang ang nasugatan sa trahedya.

“My thoughts are with every kababayan affected by an act of violence that has no place in our shared humanity,” pahayag ni Duterte sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 28.

National

Sen. Risa sa mga Pinoy sa Canada matapos ang trahedya: ‘Nandito kami para sa inyo’

Kinondena rin ng bise presidente ang nangyaring insidente at iginiit na dapat mapanagot ang sangkot sa insidente.

Bukod dito, nagpasalamat din si Duterte sa pamahalaan ng Canada at maging sa Philippine Embassy in Ottawa at Philippine Consulate General sa Vancouver dahil sa paninigurong nabigyan ng tulong ang bawat Pilipinong naapektuhan ng trahedya.

“I condemn this deliberate assault in the strongest possible terms. There is no justification for targeting peaceful festival goers, and those responsible must be held fully accountable under Canadian law,” saad ni Duterte.

“I thank the Canadian Government and deeply appreciate the efforts of the Philippine Embassy in Ottawa and the Philippine Consulate General in Vancouver for their coordination with Canadian authorities to ensure every Filipino in need receives assistance, comfort, and clear guidance. Their commitment to our kababayan’s well-being offers immense reassurance during these challenging times,” dagdag pa niya.

Ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Lapu-Lapu Day upang bigyang-pugay si Datu Lapu-Lapu, ang kilalang bayaning Pilipinong namuno sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na pinangunahan ni Ferdinand Magellan sa Battle of Mactan noong 1521.