April 28, 2025

Home BALITA

UP, DLSU sanib-pwersa sa pagpapaunlad ng lipunang Pilipino

UP, DLSU sanib-pwersa sa pagpapaunlad ng lipunang Pilipino
Photo Courtesy: DLSU, UP (FB)

Magtutulungan ang dalawa sa mga nangungunang unibersidad sa bansa para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Sa isang Facebook post ng De La Salle University (DLUS) nitong Lunes, Abril 28, inanunsiyo nilang pipirma sila kasama ang University of the Philippines ng five-year Memorandum of Understanding (MOU).

“In a symbolic event, the De La Salle University and the University of the Philippines will sign a five-year Memorandum of Understanding (MOU) to strengthen academic cooperation and mutual understanding between the two universities toward the promotion of a culture of sustainability, and the development of Philippine society,” saad ng DLSU.

Nagkasundo umano ang dalawang unibersidad na bumuo ng inisyatibong may iisang layunin para sa “research,” ”academic,” at “social engagement.”

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nakatakdang ganapin ang pirmhan ng kasunduan sa darating na Mayo 2 sa Board of Regents Room, Quezon Hall, University of the Philippines Diliman.